Amang minamahal,
Pinupuri kita, Minamahal kita, Sinasamba kita,
Isugo mo ang iyong Espiritu upang tanglawan ang aking isipan at akayin tungo sa mga katotohanan ng iyong anak na si Jesus, Pari at Handog.
Sa Espiritung ito, gabayan mo ang aking puso na matulad sa Mahal na Puso ni Jesus, upang panibaguhin sa akin ang marubdob na pagmamahal ng isang pari; na ako rin ay handang maghandog ng sarili sa paglilingkod sa banal mong altar.
Sa Espiritung ito, linisin mo ang aking mga kahalayan at palayain sa aking mga pagsalangsang sa pamamagitan ng Kalis ng kaligtasan. Nawa ang iyong kalooban ang aking tanging masundan.
Ang Mahal na Birhen, Ina ni Hesus, ang siya nawang maging aking kulandong at sanggalang sa lahat ng masama. Gabayan nawa niya ako na gawin lamang ang naisin ni Hesus. Turuan nawa niya ako na magkaroon ng katulad ng puso ni San Jose, na kanyang esposo, na ipagtanggol at pangalagaan ang Simbahan. Nawa ang kanyang pusong nasugatan ang aking maging inspirasyon at tanggapin ito bilang isang anak na handang magpakasakit sa paanan ng krus. Ako’y nagsusumamo na ikaw sana ay maging mapag-ampong Ina sa akin, at tulungang ako’y maging isang mabuting anak.
Panginoon, gawin mo akong isang banal na pari, pag-alabin mo sa apoy ng iyong pag-ibig, na walang hinahangad kundi ang iyong higit na kaluwalhatian at kaligtasan ng mga kaluluwa.
Pakumbabang nanalangin at nagpapasalamat ako sa iyo, aking Ama, sa pamamagitan ng Espiritu Santo, kay Kristo Jesus na iyong anak at aking kapatid. Amen.
O Maria, Ina ng mga pari, ipanalangin mo kami.
San Juan Maria Vianney, ipanalangin mo kami.
Friday, June 12, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment