Tanong: Napansin ko po noong unang linggo ng adbiyento ay may isang koronang berde na may apat na kandila sa may altar sa Simbahan. Dekorasyon lang po ba iyon o mayroon itong kaugnayan sa panahon ng Adbiyento?
Sagot: Mabuti naman at napansin mo ang mga bagay na iyon sa loob ng Simbahan. Actually, hindi lang iyon dekorasyon. Talagang bahagi iyon ng panahon ng Adbiyento. Mas magandang talakayin natin ngayon ang mga simbolismo ng adbiyento.
Isa sa mga popular na simbolo ng adbiyento ay ang tinatawag na “advent wreath” o ang koronang pang-adbiyento. Karaniwang ito’y gawa sa mga sanga ng evergreen (kung minsan mahirap hanapin ang evergreen tree dito sa Pilipinas kaya pwede na rin ang sanga ng pinetree) na pinaglikaw-likaw na hugis bilog o korona. Ang simbolo na koronang sanga ng evergreen ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggang na kaloob ng Diyos sa naniniwala sa kanya. Alam mo, tuwing panahon ng taglagas at taglamig (autumn and winter) tanging ang mga dahon lamang ng evergreen o pine trees ang natitira at nanatiling sariwa at berde. At ang kulay berde naman ay simbolo ng pag-asa at patuloy na pagmamahal ng Diyos sa tao.
Sa koronang iyon ay mayroong apat na kandila. Ang apat na kandila ay kumakatawan sa apat ng linggo ng adbiyento bago sumapit ang kapaskuhan. Ang tatlong kandila ay kulay ube o purple at ang isa ay kulay rosa o pink. Ang kulay ube ay simbolo ng panawagan ng adbiyento tungo sa pagsisisi at pagpapasimula ng bagong buhay, samantala ang kulay rosa ay simbolo ng kagalakan na dala ng Mesiyas. Ang kandilang rosa ay sinisindihan sa ikatlong linggo ng adbiyento o ang “Gaudete Sunday”. Ang ibig sabihin ng latin na “gaudete” ay kagalakan. Sa tuwing makikita natin na may sindi ang mga kandila sa koronang pang-adbiyento, tumitingkad ang ating paniniwala na nasa piling natin ang Diyos at dapat tayo’y ay higit na magbantay.
Maaring rin po ba na maglagay ng advent wreath sa mga tahanan at mga opisina?
Sagot: Kung sususugan natin ang pakahulugan ng simbolong ito, maliwanag na hindi lang sa mga simbahan maaring ilagay ito. Maganda rin na sa mga tahanang Kristiyano o mga opisina ay ilagay ito at isagawa rin ang mga ritwal ng pagbabasbas at pagsisindi ng kandila tuwing linggo ng adbiyento.
Kaya rin po pala karaniwang ginagawang Christmas Tree ay pine tree, di po ba?
Sagot: Korek ka dyan. Kaya lang, konti lang sa atin ang mga buhay na pinetree at napakamahal noon. Maganda sana laging sariwa. Kaya nagtitiyaga na tayo sa mga plastic o tuyong sanga. Basta mahalaga kulay berde para nandoon pa rin ang simbolismo ng adbiyento.
Napansin ko rin po Monsignor na ang kulay ng mga kasuotan o vestment ng pari sa panahon ng adbiyento ay ube o purple na siya ring ginagamit sa panahon ng Kuwaresma at mga Mahal na Araw. Bakit po ganoon, dapat masaya tuwing adbiyento at hindi malungkot tulad ng kuwaresma?
Sagot: Tama ka dyan. Kung mapapansin mo rin, hindi inaawit o binibigkas ang “Papuri sa Diyos” sa pagdiriwang ng Misa sa panahon ng Adbiyento. Alam mo, sa liturhiya ang kulay ube o purple ay tradisyonal na nananawagan ng pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos. Ito ay angkop din sa panahon ng adbiyento sapagkat ang isang magandang paghahanda sa pagsalubong sa pagdating ng Dakilang Hari ay isang malinis na tahanan sa ating mga puso. Isa pa, ang kulay purple noong unang mga panahon ay isang uri ng pangkulay na napakamahal at tanging ang mga nasa maharlikang angkan lamang ang gumagamit ng ganitong kulay sa kanilang mga kasuotan. Kaya nga, sa panahon ng adbiyento, naangkop ang kulay purple sapagkat maharlika ang ating hinihintay na darating: ang Anak ng Diyos, Hari ng mga Hari!
Dapat nga Roy ang paborito mong kulay ay ube o purple sapagkat ang ibig sabihin ng iyong pangalan ay hari.
Maraming salamat po Monsignor.
Salamat din sa lahat. Nawa’y tanggapin ninyo ang mga biyaya hatid ng panahon ng Adbiyento. Halina Hesus, Halina!

No comments:
Post a Comment