Friday, December 24, 2010

Thoughts for Christmas

1. Jesus came to earth out of love. He was given by the Father: For God so loved the world he gave his only son!
We are also called to love. If Christ is to be born today it must be through us.
Christ fills us with love. Allow us to be agents who fill the world with love.


2. Jesus was born poor and simple. We are called to celebrate his birthday in a simple way, not extravaganza. Live a simple life.
Filipinos is known of celebrating Christmas longer and expense, due to commercialism.
The people that surrounds Jesus are the poor and the simple, first Mary and Jesus, then the shepherds, later on the three kings.


3. Jesus done it in obedience to the Father. He emptied himself taking the form of the eservant. We should be obedient also by doing the will of God. Like Mary, who obediently accepted to be the Mother od the Saviour.
Obedience now seems to be a bad word. Today it is do your own thing; of if it feels good, then do it. People focused on their rights, on what others owe them. But if we truly we have Jesus as our Lord, then we ought to be obdient to our Master. Otherwise, talking of lordship is just a lot of talk. Remember, not everyone who merely says "Lord, Lord" will enter enter, We need to obey.

Sunday, November 28, 2010

Q & A # 6 - Adbiyento


Tanong: Napansin ko po noong unang linggo ng adbiyento ay may isang koronang berde na may apat na kandila sa may altar sa Simbahan. Dekorasyon lang po ba iyon o mayroon itong kaugnayan sa panahon ng Adbiyento?
Sagot: Mabuti naman at napansin mo ang mga bagay na iyon sa loob ng Simbahan. Actually, hindi lang iyon dekorasyon. Talagang bahagi iyon ng panahon ng Adbiyento. Mas magandang talakayin natin ngayon ang mga simbolismo ng adbiyento.
Isa sa mga popular na simbolo ng adbiyento ay ang tinatawag na “advent wreath” o ang koronang pang-adbiyento. Karaniwang ito’y gawa sa mga sanga ng evergreen (kung minsan mahirap hanapin ang evergreen tree dito sa Pilipinas kaya pwede na rin ang sanga ng pinetree) na pinaglikaw-likaw na hugis bilog o korona. Ang simbolo na koronang sanga ng evergreen ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggang na kaloob ng Diyos sa naniniwala sa kanya. Alam mo, tuwing panahon ng taglagas at taglamig (autumn and winter) tanging ang mga dahon lamang ng evergreen o pine trees ang natitira at nanatiling sariwa at berde. At ang kulay berde naman ay simbolo ng pag-asa at patuloy na pagmamahal ng Diyos sa tao.
Sa koronang iyon ay mayroong apat na kandila. Ang apat na kandila ay kumakatawan sa apat ng linggo ng adbiyento bago sumapit ang kapaskuhan. Ang tatlong kandila ay kulay ube o purple at ang isa ay kulay rosa o pink. Ang kulay ube ay simbolo ng panawagan ng adbiyento tungo sa pagsisisi at pagpapasimula ng bagong buhay, samantala ang kulay rosa ay simbolo ng kagalakan na dala ng Mesiyas. Ang kandilang rosa ay sinisindihan sa ikatlong linggo ng adbiyento o ang “Gaudete Sunday”. Ang ibig sabihin ng latin na “gaudete” ay kagalakan. Sa tuwing makikita natin na may sindi ang mga kandila sa koronang pang-adbiyento, tumitingkad ang ating paniniwala na nasa piling natin ang Diyos at dapat tayo’y ay higit na magbantay.

Maaring rin po ba na maglagay ng advent wreath sa mga tahanan at mga opisina?

Sagot: Kung sususugan natin ang pakahulugan ng simbolong ito, maliwanag na hindi lang sa mga simbahan maaring ilagay ito. Maganda rin na sa mga tahanang Kristiyano o mga opisina ay ilagay ito at isagawa rin ang mga ritwal ng pagbabasbas at pagsisindi ng kandila tuwing linggo ng adbiyento.

Kaya rin po pala karaniwang ginagawang Christmas Tree ay pine tree, di po ba?

Sagot: Korek ka dyan. Kaya lang, konti lang sa atin ang mga buhay na pinetree at napakamahal noon. Maganda sana laging sariwa. Kaya nagtitiyaga na tayo sa mga plastic o tuyong sanga. Basta mahalaga kulay berde para nandoon pa rin ang simbolismo ng adbiyento.

Napansin ko rin po Monsignor na ang kulay ng mga kasuotan o vestment ng pari sa panahon ng adbiyento ay ube o purple na siya ring ginagamit sa panahon ng Kuwaresma at mga Mahal na Araw. Bakit po ganoon, dapat masaya tuwing adbiyento at hindi malungkot tulad ng kuwaresma?

Sagot: Tama ka dyan. Kung mapapansin mo rin, hindi inaawit o binibigkas ang “Papuri sa Diyos” sa pagdiriwang ng Misa sa panahon ng Adbiyento. Alam mo, sa liturhiya ang kulay ube o purple ay tradisyonal na nananawagan ng pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos. Ito ay angkop din sa panahon ng adbiyento sapagkat ang isang magandang paghahanda sa pagsalubong sa pagdating ng Dakilang Hari ay isang malinis na tahanan sa ating mga puso. Isa pa, ang kulay purple noong unang mga panahon ay isang uri ng pangkulay na napakamahal at tanging ang mga nasa maharlikang angkan lamang ang gumagamit ng ganitong kulay sa kanilang mga kasuotan. Kaya nga, sa panahon ng adbiyento, naangkop ang kulay purple sapagkat maharlika ang ating hinihintay na darating: ang Anak ng Diyos, Hari ng mga Hari!
Dapat nga Roy ang paborito mong kulay ay ube o purple sapagkat ang ibig sabihin ng iyong pangalan ay hari.

Maraming salamat po Monsignor.

Salamat din sa lahat. Nawa’y tanggapin ninyo ang mga biyaya hatid ng panahon ng Adbiyento. Halina Hesus, Halina!

Friday, August 20, 2010

Q & A # 5


Mayroon pong nagtatanong na isang aktibong myembro ng Couples for Christ (CFC). Isa raw po sa kanilang apostolate ay ang hikayatin ang mga mag-asawa na magpakasal sa simbahan. At sa tuwina pong magsasagawa sila ng Christian Life Seminar, mayroon pong mga kaso na dapat ihanda para tanggapin ang Sakramento ng Kasal. Subalit ang isa pong problema na laging nae-encounter nila ay ang paghingi ng parokya ng baptismal certificates ng mga ikakasal. Karaniwan daw po ay wala silang maipakita dahil hindi alam ng mga ikakasal kung saan sila bininyagan o wala pong registro sa binyag. Yung iba naman po ay malayo ang lugar kung saan sila bininyagan. Kung minsan nga raw po ay iniisip na lang nila na baka pinapahihirapan lang sila sa mga requirements ng parokya. Baka naman daw po pwede nang ikasal kahit walang baptismal certificate?

Kung susumahin natin ang tanong ay: Bakit ba kailangan pa ang baptismal certificate sa kasal?
Ano ba ang pinapatunayan ng baptismal certificate? Ito ang katunayan na ang isang tao ay tumanggap ng Sakramento ng Binyag o naging Katoliko. Sa lahat ng mga parokya ay may libro ng Binyag, kung saan ang mga importanteng impormasyon ay nakatala. At ito’y lubos na iniingatan ng mga parokya. Kailangan ang Baptismal certificate sa kasal upang patunayan na ang mga ikakasal ay binyagang katoliko. Para sa kaalaman ng lahat, ang binyag ay ang pintuan ng lahat ng mga sakramento. Ang ibig sabihin nito’y, matatanggap mo ang iba pang mga sakramento kung ikaw ay binyagan na. Kung hindi ka pa binyag, hindi ka maaaring tumanggap ng ibang sakramento katulad halimbawa ng Kasal. At kung hindi ka katoliko ay hindi ka rin sakop ng Batas ng Simbahan hinggil sa kasal.

At isa pa, ang baptismal certificate ang siya ring magpapatunay na ang ikakasal ay malaya pang magpakasal o hindi pa tumatanggap ng kasal sa simbahan.

Sa ano pong paraan malalaman na ang isang ikakasal ay malaya pa kapag mayroong baptismal certificate?

Alam mo sa Simbahan, mayroon pamamaraan para malaman ang ikakasal ay hindi pa nagpakasal sa simbahan. At ito’y sa pamamagitan ng registro ng binyag. Mayroon policy ang simbahan na ang sinumang ikinasal sa simbahan ay magpapadala ng notice sa parokya kung saan ang mga ikinasal ay bininyagan, at pagkatapos ay ilalagay naman sa libro ng binyag sa puwang ng “annotations, na ang binyagan ay nakasal na. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ang baptismal certificate ang sino mang nag-aapply ng kasal. At sa certificate mismo ay inilalagay ang anumang nakasulat sa annotations. Kung hindi pa kasal, ilalagay ng kura paroko ang note na ”Free to marry”. Kung may nauna nang kasal, ilalagay rin ang mga impormasyon nito sa certificate. At kailangan din na ang baptismal certificate ay newly issued at balido lamang sa loob ng 6 na buwan.

Eh, paano po kung hindi naka-rehistro ang kanilang pangalan sa libro ng Binyag, subalit sinasabi naman nilang sila ay nabinyagan na at sila ay pawang mga Katoliko, paano po iyon?

Iyan ang laging idinadahilan ng marami na kesyo sila raw ay binyag na. Subalit kailangan na patunayan ito. Ngayon, paano ba ang tamang proseso?
Una, mas mabuting malaman kung saan ang parokya ng mga ikakasal, o saang bayan sila ipinanganak, o kung saan nakatira ng kanilang mga magulang. Karaniwan na kung saan sila isinilang ay iyon din ang lugar ng kanilang binyag. Sa tulong ng parokya, maaring kontakin ang parokya ng mga ikakasal upang humingi ng baptismal certificate. Ngayong panahon ay mas madaling makontak ang mga parokya. Kung sakaling walang maibigay ang parokya kung saan maaaring naganap ang binyag, ang parokyang iyon ay magbibigay ng “certification of no records.”
Kung walang records, ang kura paroko na naghahanda sa mga kakasalin ay magsasagawa ng mas masinsinang imbestigasyon upang malaman niya kung ang ikakasal ay talagang nabinyagan o hindi. Kung napatunayan niyang nabinyagan siya, kaya lang ay hindi naka lista sa libro, maari siyang magdesisyon na paniwalaan ang pahayag na siya ay binyag. Pero mas nakabubuti na gumawa rin ng affidavit mula sa dalawang testigo bilang patotoo na talagang binyag na siya. Kung mayroon naman siyang pagdududa, ang kura paroko ay maaaring magsagawa ng tinatatawag na “conditional baptism” sa ikakasal.

Paano po ba nangyayari na walang baptismal records ang parokya?

May mga pangyayari na wala sa registro ng binyag ang pangalan ng isang nabinyagan dahil sa kapabayaan ng mga tagapag-lista. Kaya nga dapat ang kura paroko ay laging nagmamatyag upang huwag mangyari ito.
May mga kaso rin na wala na ang registro ng binyag dahil sa sunog, baha o dili kaya’y kinain na ng mga anay ang mga libro ng parokya.
Sa ganitong mga kaso, ang kura paroko ay nagbibigay ng certification of no records.

Q & A # 4


Nabanggit po ninyo noong nakaraan na dapat magpakasal sa Simbahan ang mga Katoliko. Bakit mayroon po bang pagkakaiba ang Kasal sa Simbahan at Kasal sa Sibil?

Una sa lahat, ang Kasal sa Simbahan ay isang Sakramento. At ang Sakramento ng Kasal ay isang banal na kasunduan na pinagtibay ng mag-asawa sa harapan ng kinatawan ni Kristo, ang may akda ng Sakramento; at ng Kanyang Sambayanan. Ang kasunduang ito ay hindi mababali o mababago ng dalawang ikinasal lamang. Kasama nila ang Diyos sa kasunduang ito, at sang-ayon sa Kanya: “Ang pinag-isa ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao”(Mt. 19:6).

Samantala ang kasal sibil ay inaaring isang kontrata, kung saan ang tawag sa mga ikinasal sa sibil ay “contracting parties”. Bilang isang kontrata, ito ay nakabase sa anumang napagkasunduan at maaring baguhin kung sakaling gusto ng mga pumasok sa kontrata.

At isa pa, ang Sakramento ng Kasal ay nagkakaloob ng biyaya para sa mag-asawa (conjugal grace) upang magaan nilang maisakatuparan ang mga tungkulin bilang mag-asawa at bilang magiging magulang sa kanilang mga anak. Ang kasal sibil ay isang aktong legal at nagbubunga ng mga epektong legal lamang.

Ang mga Katolikong tumanggap ng Kasal Sibil ay inaaring hindi tumanggap ng tunay na kasal sa mata ng Diyos, alalaong baga’y sila’y nagsasama pa rin ng walang basbas ang Diyos. Sa madaling sabi, hindi pinapayagan ng Diyos. Bagamat sila’y legal na nagsasama bilang mag-asawa sa harap ng batas sibil, masasabi naman nating sila’y hindi sumusunod sa batas ng simbahan bilang mga Katoliko.

Marami pong ikinasal sa Simbahan na hindi naging maganda ang pagsasama at naghiwalay na, bakit magpapakasal pa?

Totoo na ang hangarin ng Sakramento ng Kasal ay upang maganda ang pagsasama ng mag-asawa, subalit ang desisyon ng pagpapaganda ng pagsasama ng mag-asawa at ang pagpapatuloy ng mabuting hangarin ng Simbahan ay nasa kamay pa rin mismo ng mag-asawa sapagkat maaari nilang palaguin o sirain ang gandang inihahandog ng Sakramento. Kaya hindi natin pwedeng sabihin na kapag ikinasal na ay gaganda na pagsasama ng mag-asawa. Ang Sakramento ng Kasal ay tutulong lamang upang pagtibayin ang pagsasama ng mag-asawa. Sila ay sisidlan ng grasya ng kasal na maaari nilang ingatan at pag-ibayuhin o dili kaya’y basagin o sirain ito. Maarin nilang panatilihing maganda ang sisidlang ito o kanilang balewalain para matapon at masayang. Kahit ang Diyos ay hindi tao pipiliting gumawa ng mganadang relasyon sa isa’t-isa kung wala tayong kooperasyon sa mga ibinibigay Niyang mga pagpapala. Kaya nga nagpapakasal sa simbahan ang magkasintahan upang tumanggap ng pagbabasbas mula sa Poong Maykapal.

Maaari bang tumanggap ng Banal na Komunyon ang hindi Kasal sa Pari o ang Hiwalay sa Asawa o isang Diborsyado/Diborsyada?

Ayon sa Batas ng Simbahan, ang isang tao na nabubuhay sa estado ng kasalanan, lalung-lalo na kung hayag at alam ng nakararami na siya ay nanatili sa paggawa ng mabigat na kasalanan at walang balak na umalis sa pagkakasala (obstinate and manifest siiner), ay hindi maaaring tumanggap ng Banal na Komunyon (CIC Can. 915). Kasama sa pagiging hayag na makasalanan ay ang pagiging matigas ang puso at hayagang hindi pagsunod sa mga kautusan ng Simbahan sa kabila ng maraming beses ng pangangaral. Ang isang halimbawa ng hayag na pamumuhay sa kasalanan ay ang pagsasama ng dalawang katoliko o kahit ang isa ay katoliko bilang mag-asawa na walang basbas ng Sakramento ng Kasal. Ito ay inaaaring isang kasalanan ng pakiki-apid. At ang kasalanang ito ay maaalis lamang kung silang dalawa ay tatanggap ng Sakramento ng Kasal.

Eh, paano naman po iyong mga hiwalay na at mga diborsyado o diborsyada?

Sa kaso naman ng mga hiwalay sa mag-asawa, kung sila ay wala namang kinakasamang ibang tao maliban sa dating asawa, hindi sila nagkakasala ng pakiki-apid. Kung wala silang ibang mabigat na kasalanan, maaari silang magkomunyon. Subalit kung sila ay hiwalay sa isa’t isa at pagkatapos ngayon ay may kinakasama, maliwanag na sila’y nagkakasala ng pakiki-apid. Gayundin sa isang diborsyado o diborsyada, kung siya ay hindi na mag-aasawa pang muli o walang kinakasama pang iba, maaari rin silang magkomunyon, subalit sa panahon na muling mag-asawa at hindi pa napapawalang-bisa ang unang kasal, siya rin ay nagkakasala.

Wednesday, August 18, 2010

Q & A # 3


Tanong: Marami sa mga binata at dalaga ngayon na hindi na naniniwala sa Kasal, lalo na sa Kasal sa Simbahan, kesyo kaugalian lang daw ang pagpapakasal sa Simbahan, o kagustuhan lang ng mga magulang. Mas mainam nga raw na mag live-in muna bago pakasal para malaman kung talagang sila ay sa isa’t-isa. Monsignor, Bakit po ba kailangan pang magpakasal sa Simbahan?

Ayon sa Batas ng Simbahan, ang sino mang binyagang Katoliko o naging Katoliko ay sakop ng mga batas hinggil sa kasal, hindi lamang ng batas divina kundi ng mga batas rin na nakapaloob sa Kodigo ng Batas Kanon (cf. CIC Can. 1059). Mababasa sa CIC Can. 1117 na ang isang Katoliko ay obligadong tanggapin ang forma kanonikal ng kasal.

Ano po ba ang tinatawag na forma kanonikal ng kasal?

Ang forma kanonikal ng kasal ay pagpapahayag ng palitan ng konsentimiento matrimonial ng mga ikinakasal sa harapan ng isang diakono, pari o obispo bilang kinatawan ng Simbahan at sa harapan ng dalawang testigo. Kung ang kasal ng dalawang katoliko o kahit isa lang sa kanila ay katoliko ay naganap na walang forma kanonikal, ang kasal na yaon ay inaaring walang bisa o inbalido (cf. CIC Can. 1108).

Ang isa pang mas matinding dahilan kung bakit ang magkasintahan ay dapat magpakasal ay sa Simbahan ay dahil sa ang kasal kristiyano ay “isang taimtim na pagpasok ng mag-asawa sa isang wagas na pagtatalaga sa harap ng Diyos at ng pamayanang Kristiyano habang ipinahahayag nilang: ‘Nagmamahalan kami at umaasa kaming hindi magwawakas ang pagmamahalang ito. Hinihiling namin sa inyong igalang ang pananagutan naming ito at tulungan kaming maging tapat sa pananagutang ito’”(Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko (KPK), n. 1899).

Ano naman po ang maidudulot ng Kasal sa Simbahan sa mag-asawa?

Ang kasal sa Simbahan ay isang Sakramento. At bilang sakramento, ang kasal kristiyano ay larawan ng presensya ni Kristo sa buhay ng mag-asawa: “Nananahan Siya (si Kristo) sa piling nila upang sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng sarili sa isa’t isa, ang mag-asawa ay magmahalan ng buong katapatan”(GS n. 48).

Ang maidudulot ng Sakramento ng Kasal ay ang mismong biyaya na ipinagkakaloob nito sa mag-asawa. Ang tawag dito ay “conjugal grace”. Ang grasyang ay nakalaan sa pagiging ganap ng pag-ibig mag-asawa, sa pagtitibay ng kaisahang di-malalansag. Sa pamamagitan ng grasyang ito "nagtutulungan sila sa isa't isa na magpakabanal sa buhay matrimonial at sa pag-aaruga at pagtuturo ng kanilang mga anak"(LG 11; cf. LG 41). Sa madaling sabi, ang Sakramento ng Kasal ay napakalaking tulong upang ang mga mag-asawa ay mabuhay na banal at maging mabuting mga magulang ng kanilang magiging mga anak (cf. CCC 1641-1642).

Ano naman po ang masasabi ninyo tungkol sa mga “live-in” na pagsasama at “trial marriages”?

Sa pagsasama ng malaya o live-in, tinatanggihan ng lalaki at babae na gawaran ang kanilang pag-uugnayan sekswal ng katangiang juridical o legal at ayaw ipaalam sa publiko ang kanilang pagsasama. Alalaong baga’y , sila ay nabubuhay sa kasinungalinan. Ano ang kahulugan ng isang pagsasamang walang kaakibat na pangako nsa isa’t isa at hindi nagtataglay ng pagtitiwala sa kabiyak, sa isa’t isa at sa kanilang hinaharap.

Ang live-in ay matatawag rin na concubinato, ang pagtanggi sa kasal, ang pag-iwas sa matagalang pakikipag-ugnayan. Ito’y salungat sa karangalan ng kasal, sinisira ang kahulugan ng pamilya, binabawasan ang pagpapahalaga sa katapan. Ang live-in na ugnayan ay labag sa alituntuning moral: ang pagtatalik ay dapat maganap lamang sa loob ng kasal; sa labas ng kasal, ito ay isang kasalanang mabigat (CCC 2390).

Eh, ang Trial Marriages po?

Tungkol naman sa mga “trial marriages” o pansamantalang pagsasama o talaga namang may balak na magpakasal kaya lang gusto nilang subukin kung sila ay para sa isa’t isa, ang itinuturo ng Simbahan ay ang ganitong pamamaraan ay hindi tiyak kung talagang mananatili silang totoo at tapat habang panahon. Maari naman subukin nila kung talagang itinadhana sila na mag-asawahan na hindi mag-sasama o mag-Trial marriage. Basta walang pakikipagtalik habang hindi pa kasal. Sapagkat ang relasyon sekswal ay naaayon sa moralidad at dapat ito’y ginagawa na may tiyak na pagkakaloob ng sarili sa isa’t –isa at hindi sa pagsubok lamang (cf. CCC 2391).

Q & A # 2


Tanong: Si Eva, dalaga at isang entertainer sa Japan, ay nakilala si Saki, isang diborsyado at may relihiyong Shintoismo. Sila ay naging magkasintahan, at pagkatapos ng isang taon ay nagyaya si Saki na pakasalan si Eva. Pumayag si Eva sa kondisyon na sa Pilipinas sila pakakasal at sa Simbahang Katoliko na mayroong engrandeng kasalan. Ano po ba ang mga kailangan nila para maghanda sa isang Katolikong kasalan?

Sagot: Medyo kumplikado ang binabalak na kasalang ito.

Una, sa panig ni Eva hindi masyadong mabusisi. Dahil siya ay siyang dalaga, kailangan lang niya ang certificate of no marriage (cenomar) mula sa civil registrar para mabigyan ng marriage license. Bilang katoliko, kailangan niyang kumuha ng Baptismal Certificate (with annotation of freedom to marry) at Confirmation certificate (kung hindi pa kumpil, mas nakabubuti na magpakumpil siya).

Ang mas kumplekado ay sa panig ni Saki: isang Hapones, Shinto at diborsyado.

Unang dahilan, bilang isang shinto. Kung nais niyang maging Katoliko, kailangang may pag-aaral hinggil sa pananampalatayang Katoliko, medyo matagal-tagal ito. Kung mananatili naman siyang isang Shinto, kailangan ang dispensasyon ng “disparity of cult” na ibinibigay ng Obispo kung saan sila magpapakasal. May mga kailangang dokumento ng pangako ang dapat pirmahan bago makakuha ng dispensasyon (Cautiones).

Ano po ba ang dispensasyon sa Kasal?

Ang dispensasyon sa kasal ay ang pagbibigay ng pahintulot na makasal ang babae at lalaki sa kabila ng isang impedimento o hadlang sa kaso ng kanilang kasal, Ibinibigay ito hindi sa pangmaramihang sirkumstansya kundi sa pamamagitan ng pagsusuri ng bawat kasong dumarating sa simbahan. Karaniwang ang Obispo ang nagbibigay nito. Ibinibigay ito ng simbahan kung mayroong sapat at makatuwirang dahilan. Karaniwang ipinapahintulot ito ng simbahan kung ang impedimento o hadlang ay nagmumula sa batas ng simbahan at hindi sa tinatawag na batas natural (natural laws). Kung talagang ang hadlang ay natural, halimbawa ang edad ng kakasalin o ang napakalapit na blood relationships, hindi ito nabibigyan ng dispensasyon. May mga dispensasyon na ang Santo Papa lamang ang nagkakaloob, tulad ng impedimento ng pagpapari at perpetual vows ng mga relihiyoso.

Ikalawang dahilan sa kaso ni Saki, siya ay isang diborsyado. Kailangan ang mga papeles ng deklarasyon ng diborsyo na dapat certified ng Japanese Embassy dito sa Pilipinas. Dapat din magbigay ng certificate of freedom to marry mula sa Embassy. Kailangan ito sa pag-apply ng marriage license sa local civil registrar. Ang marriage license ay kailangan na i-submit sa parokya bago ang kasal.

Kinikilala po ba ng Simbahang Katoliko ang diborsyo?

Ang sallitang diborsyo ay tumutukoy sa paghihiwalay ng mag-asawang mayroong totoong nangyaring Sakramento ng Kasal. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng deklarasyon ng korte sibil at pinahihintulutan na ang mag-asawa ay maghiwalay at payagang magkapag-asawang muli. Hindi pumapayag ang simbahan sa ganitong kalakaran, lalong-lalo na kung ang kasal ay tunay na may bisa ng isang Sakramento. Sinusunod lamang ng Simbahan ang sinanbi ni Kristo sa Ebanghelyo na “ang sino mang pinag-isa ng Diyos ay hindi dapat paghiwalayin ng sinumang tao”. Kinikilala ng simbahan ang tinatawag na deklarasyon ng annulment (pagdedeklara ng kasal na talagang walang bisa bilang isang sakramento sa simula’t simula ng ito’y ipinagdiwang dahil sa hadlang o impedimento na hindi naalis). Dahil walang naganap na totoong sakramento ng kasal kaya ang simbahan nagdedeklara nito. Subalit ito’y ginagawa ring pormal sa pamamagitan ng Matrimonial Tribunal ng Simabahan.

Ang ikatlong dahilan na nakikita ko ay ang kanyang pagiging banyaga. Kung hindi marunong magsalita ng Ingles, kailangan ang matapat na interpreter para sa pre-nuptial interview at sa mismong pagdiriwang ng kasal upang maunawaan niya ang nagaganap. Dito sa Pilipinas, may isang paring Hapon na nag volunteer upang siya ang mag-interview sa mga Hapon na ikakasal. Siya rin ang magsasagawa ng pagtuturo hingil sa sakramento ng Kasal (pre-marriage instruction o seminar). Siya rin ang magbibigay ng certification na pwede na silang ikasal.

Dito sa Pilipinas, hinihingi ang isang buwan na paghahanda bago ikasal. Kung sakaling kulang sa isang buwan ang paghahanda sapagkat nagmamadali sila, kailangan ang dispensasyon mula sa Obispo. Ito ay upang maisagawa ang marriage banns or Tawag sa Kasal na karaniwang isinasagawa sa loob ng tatlong linggo.

Ano po ba ang inyong maipapayo kay Eva hinggil sa kanyang balak na pakasal kay Saki?

Mas nakabubuti na sa pagdating nila dito sa Pilipinas ay kaagad magtanong sa parokya ni Eva hinggil sa kanilang pagpapakasal upang malaman kaagad ang dapat nilang gawin. Dapat unahin nila ang dapat unahin, lalo na ang mga dokumento na hinihingi ng simbahan at ng local civil registrar. Medyo matagal rin ang paghingi ng mga dispensasyon sa Obispo at ang pre-nuptial seminar. Sa local civil registrar naman ay may 12 araw na publication of notice bago ibigay ang marriage license. Sa banding huli na lang ang paghahanda kung ano ang trahe at mga susuotin sa kasal, o kung saang restaurant ang reception o ang pagpapagawa ng imbitasyon. Mas mahalaga ang seremonyas sa simbahan keysa mga susuotin at pagkain.

Q & A # 1

Tanong: Si “Myrna” isang OFW, 45 taong gulang, 10 taon na nagtratrabaho sa Italia bilang tagapag-alaga ng isang matanda (Care giver). Nang siya ay umalis sa Pilipinas, mayroon na siyang problema sa kanyang asawa, na may ibang babae. Ito ang nagbunsod sa kanya na mangibang-bansa upang tuluyang hiwalayan ang asawa. Sila ay may 1 anak na nasa pangangalaga ng magulang ni Myrna.
Sa loob ng 10 taon sa Italia, nakilala niya si “Nestor”, binata, at sila ay madaling nagkapalagayan ng loob. Sila ay naging magkasintahan hanggang mapag-isipan na nilang magpakasal.
Ang problema: si Myrna ay kasal sa simbahang Katoliko. Ang 10 taon bang pagkakahiwalay nila ng kanyang asawa sa Pilipinas ay sapat na para payagan na makasal ulit? Paano ang tamang paraan para mapawalang-bisa ang unang kasal ni Myrna, upang makapag-pakasal sa kasalukuyang kasintahan?

Sagot: Una sa lahat, ang 10 taong pagkakahiwalay ng mag-asawa ay hindi nagbibigay ng kapahintulutan sa isa’t isa na pwede nang nag-asawa. Walang kinalaman ang tagal ng hiwalayan para mapawalang bisa ang kasal. (Maliban na lang sa kaso ng “presumed death”. Sa ibang pagkakataon maarin nating pag-usapan ito).
Ngayon sa katanungan kung paano ang paraan para sina Myrna at Nestor ay makasal, ang unang hakbang ay tingnan kung may dahilan na ang unang kasal ni Myrna ay maideklara na walang bisa (declaration of nullity). Kailangan na ito ay maidulog sa isang Marriage Tribunal para maproseso ang deklarasyon. Sa Diyosesis kung saan ikinasal o kung saan nakatira ang mga nasasangkot maaaring idulog ang petisyon ng pagpapawalang bisa ng kasal.

Ano po ang ibig sabihin ng deklarasyon ng nullity sa kasal?

Ang deklarasyon ng nullity sa kasal ay ipinakikitang walang naganap na totong Sakramento Matrimonial noong ikasal ang lalaki at babae sa simbahan kaya ang mga ito ay maaaring pahintulutan ng Tribunal ng Simabahan na maghiwalay o di na magsamang muli bilang mag-asawa. Ang deklarasyon ng nullidad ng kasal ay nagpapahiwatig na hindi tunay ang nagyaring kasal dahil may hadlang (impedimento) na hindi naalis o dili kaya’y may depekto ang konsientimento ng dalawa o isa sa mga ikinasal o kaya’y wala naman talagang intensyon na sila’y magpakasal ayon sa intensyon ng simbahang katoliko.

Gaano po ba katagal ang proseso ng deklarasyon ng nullity?

Medyo matagal-tagal rin, depende sa pag-usad ng kaso. Subalit kailangan na may linaw ang kaso para umusad sa loob ng isang taon. Nagiging mabagal ang pag-usad ng proseso dahil sa hindi pakiki-isa ng respondent o mga testigo. O dili kaya sa kawalan mismo ng interest ng petitioner. Depende sa dahilan ng paghingi ng deklarasyon, may mga kailangan pa na konsultahin, tulad ng mga expert (medical, psychiatrist, atb).

Kung naideklara na ng Marriage Tribunal na walang bisa ang kasal, maari na ba kaagad na sila ay magpakasal?

Depende pa rin. Kung ang dahilan ng pagdeklara ng nullidad ay immaturity or psychological incapacity, maaring sabihin ng Tribunal na hindi kaagad sila pwedeng magpakasal hangga’t hindi napapatunayan na ganap na siyang makakatayo sa sarili (matured na.).

Kung ang Marriage Tribunal ng Simbahan ay nagbigay na ng desisyon ng pagwawalang-bisa ng kasal, kailangan pa bang idulog ito sa Civil Court o Family Court para sa mga epektong legal?

Ang desisyon ng Tribunal ng Simbahan ay para lamang sa aspektong sacramental at canonical, alalaong baga’y hinggil sa pagiging sakramento ng Kasal, at wala itong kinalalaman sa mga epekto ng batas pampamahalan o civil laws. Kailangan pa rin idulog ito sa Korte Sibil. Sa Pilipinas, karaniwan na ang kasal sa pari o simbahan ay mayroon ding epektong sibil. Sa katunayan, ang ikinasal ng isang pari ay inirerehistro din sa mga civil registrar, kaya sakop din ng batas sibil.

Kung sakali pong hindi napawalang-bisa ng Tribunal ng Simbahan ang kasal dahil walang mabigat na dahilan, subalit naideklara naman ng Korte Sibil na walang bisa ang kasal, pwede po bang pakasal din sila sa Simbahan?

Hindi. Kung hindi nagdeklara ang Simbahan na walang bisa ang kasal, nangangahulugan na balido ang kasal at nananatili ang marriage bond. Ang bawat isa ay hindi maaaring magpakasal uli sa iba. Kung ang Korte Sibil ay nagpawalang-bisa naman ng kasal, maaring sa sibil sila magpakasal. Subalit kung ang magpapakasal ay parehong Katoliko, hindi pa rin ito maaaring pahintulutan. Maaring ang kanilang pagsasama ay hindi labag sa batas sibil subalit labag naman sa batas ng simbahang katoliko.

Sa kaso ni Myrna at Nestor, nakabubuti na kaagad alisin nila ang hadlang (impedimento) sa kanilang pagpapakasal. Sumangguni sa kanilang Kura Paroko upang matulungan na mag-petisyon sa Tribunal ng simbahan, at hintayin ang positibong tugon bago magplano ng pagsasama o pagpapakasal. Kung sakali namang hindi maaaring ideklara ang unang kasal ni Myrna na walang bisa, mas nakabubuting sila ay kumalas sa kanilang kasalukuyang relasyon.

Friday, May 7, 2010

Today's Prayer



THE PRAYER,
BLESS THIS DAY.



This day is full of beauty and adventure,
help me Lord to be fully alive to it all.
During this day, may I become a more thoughtful person,
a more prayerful person, a more generous and kindly person.
Help me not to be turned in on myself but
to be sensitive and helpful to others.
Let me do nothing today that will hurt anyone,
but let me help at least a little,
to make life more pleasant for those I meet.

When night comes, may I look back on this day without regrets;
and may nobody be unhappy because of anything
I have said or done or failed to do.

Lord God, bless this day for me and all of us.
Make it a day in which we grow a little more like your Son,
and gentle as Mary His Mother.

Amen.

Saturday, January 30, 2010


GO,
PREACH
THE
LOVE OF GOD!